top of page

Bilisan mong Kumilos

  • Writer: Dan Brila
    Dan Brila
  • Jan 14, 2021
  • 1 min read

Kaibigan, gising ka na sana Nasa daan na ako, nariyan ka pa ba? Lumingon ka’t tumingin sa bintana Bumangon ka’t hawiin ang kurtina Dahil kanina pang nakatirik ang araw At kanina pang sayo’y nakadungaw Anong plano? Padadaanin mo lang ba? Kumilos ka hangga’t nariyan pa siya! Gumayak nang may halong galak At maligo nang pag-asang sandamakmak Sa lakas ng loob, higpitan ang hawak Saka simulang tuparin ang ating balak Kailangan mong magmadali, traffic sa Edsa Siksikan sa MRT, mahaba ang pila Sa upuan ng tren, bawal magpa reserba At kasalanan mo kung babagal-bagal ka Kung ang para sayo’y maaagaw pa ng iba Umalis na ako sa ating hintayan Dahil malayo pa ang ating pupuntahan Huwag kang mag petiks kung ayaw maiwan Dahil huli man daw at magaling Daig pa rin ng unang dating


Recent Posts

See All
Tumatakbo

Biglang dumating nang di inaasahan Ang isang dilag na kaygandang pagmasdan Ang mga bisig ko’y kaligtasa’y taglay Kaya’t sa aking piling,...

 
 
 
Return for Love

The Land catches your tears - the rain Agony, misery, massive pain The wind blows, hollering throes Your world filled with a flood of...

 
 
 
Sana wag na mag Bukas

Dapat ba akong matuwa? Masusuklian na, ating pagsisikap Parang ayaw kong magsaya Kahit palapit na’ko sa’king pangarap Sana’y sumapit ang...

 
 
 

Commenti


bottom of page