top of page

Hindi po Ako Iyon

  • Writer: Julius Libranda
    Julius Libranda
  • Jan 13, 2021
  • 2 min read

Ako po si Ryan, 18 taong gulang. Ako ay may malubhang sakit na ang pagkalimot ang sintomas. Isang umaga, malungkot akong bumangon mula sa mahimbing na pagtulog at hindi ko na maalala ang mga pangyayari noong mga nagdaang araw pero ang tanging naaalala ko lang, nagluluksa ang buong pamilya. Kaya siguro puting-puti ang aking kasuotan.

Pagbukas ko ng pinto at pagbaba sa hagdan, tumambad sakin ang mga taong nag-iiyakan. Walang pumapansin sakin doon at pakiramdam ko, isa nalang akong hangin.

Sa harap ng burol, nakita ko sina Mommy na naka shades at binalot ng itim na kasuotan. Si Daddy, nanlulumong nakatulala sa tila kawalan at si Ate naman ay di mapigil sa pag-iyak. Dahil doon ay hindi ko na rin mapigilan ang sarili na umiyak at halos bumaha ng luha sa buong paligid dahil sa matinding pagdadalamhati at panghihinayang. Sa tabi ng burol, narito ang mga kamag-anak naming matagal ko nang hindi nakikita na abalang-abala sa pagpapakalma sa Lola kong nagwawala dahil sa matinding pagdadalamhati. Kaya siguro hindi pa nila ako napapansin.

Lalong nadurog ang aking puso nang mabaling ang aking tingin sa isang larawang nasa picture frame. Ang nasa frame ay pinaputing bersiyon ng aming larawan. Nagpipigil ako sa paghikbi habang lumalapit sa burol. Halos gumuho ang aking mundo nang masilayan ko ang nasa loob ng kahon.

Isa palang ang nakapansin sakin. Ito ay aking kakambal na nakatayo sa may pinto at unti-unti lumalapit sa akin. Sinabi ko sa kanya, "Huwag kang mag-alala, pinapatawad na kita". Patuloy ang aming mga mata sa pagluha. Mga pusong hindi kayang sambitin ang salitang "Paalam".

Lumapit sakin sina Mommy, Daddy at si Ate. Niyakap nila ako nang mahigpit habang dinarama ang kasawian ng aking kakambal na si Bryan. Ninais kong mapag-isa upang ipanalangin ang kaluluwa ng aking kakambal kaya nagtungo ako sa isang sulok at doon ko hinayaang tumulo ang aking mga luha habang ang mga nasa harap ko ay tuwang-tuwa sa aking pag eemote. Sinabi ko sa sarili ko na buti nalang ay hindi ko pa nararanasan ang ganito.

Matapos iyon ay pinunasan ko ang aking mata at nakatanggap ako ng papuri mula sa mga crew at lalo na kay Direk.

Recent Posts

See All
Allowance

Buwanan kung ibigay ni Jose ang allowance ng kanyang anak na si Chris at kasama na rito ang ibang mga gastusin para sa proyekto at iba...

 
 
 

Comments


bottom of page