top of page

Ikakasal ka na

  • Writer: Dan Brila
    Dan Brila
  • Jan 11, 2021
  • 1 min read

“Ikakasal kana, iiwan mo akong nag-iisa...” Ang linyang ito ng isang kanta ay hinding-hindi mawala sa aking isip. Ayaw ko mang ikasal sya ngunit ito ang gusto nya kaya wala akong magagawa. Ano nga bang habol ko kung sya nga talaga ang lalaking gusto niya? Sabagay, sanay na akong iwan.

Iniwan na nga ako noon ng maraming mga babaeng minahal ko ng tapat at totoo.

Ngayong ikakasal na sya, wala na akong ibang magagawa kundi ang umiyak habang nasasaksihan ang pagbibitaw ng pangako sa isa’t-isa.

Pagkatapos nito, tanging hiling ko lang sa kanya’y sana hindi magbago ang pakikitungo nya sa akin. Dumalaw naman sana siya sa bahay kahit may bago na siyang tahanan.

Hayyyy...... buhay...... ang hirap talagang maging biyudo lalo pa’t puro babae ang anak.

Recent Posts

See All
Allowance

Buwanan kung ibigay ni Jose ang allowance ng kanyang anak na si Chris at kasama na rito ang ibang mga gastusin para sa proyekto at iba...

 
 
 
Hindi po Ako Iyon

Ako po si Ryan, 18 taong gulang. Ako ay may malubhang sakit na ang pagkalimot ang sintomas.

 
 
 

Commentaires


bottom of page