top of page

Napakasakit, Dr. Eddie

  • Writer: Julius Libranda
    Julius Libranda
  • Jan 7, 2021
  • 1 min read

Hawak ni Mark ang kanyang cellphone at binuksan ang music player upang maibsan ang kanyang inip. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi parin dumarating ang kanyang hinihintay. Nilalamok na siya ngunit matiyaga parin siyang naghihintay at umaasa. Ilang minuto pa ang kanyang pinalipas bago siya nagdesisyong umalis nalang sa kanyang kinaroroonan dahil lubos siyang nasaktan sa kaaasa. Kinimkim niya ito hanggang maipon sa kanyang kaloob-looban.

"Wag kanang magparamdam kung wala rin naman akong mapapala! Msakit ang umasa at maghintay kung lahat ng iyon ay walang saysay!" sigaw niya.

Maaga siyang nakagising nang sumunod na araw at kinikimkim parin ang sama ng loob. Aminado si Mark na umaasa parin siya na matutupad ang kanyang munting hiling kaya muli siyang naghintay ng matagal.

Umakyat siya sa taas ng bundok kung saan tahamik, payapa ang paligid at walng ibang tao. Pagdating niya roon ay sandali siyang nagpahinga. Ilang minuto lang ay naglakad-lakad siya sa paligid at pumuwesto sa gilid ng bangin. Doon ay inilabas niya ang kanyang saloobin, hinanakit at ang sama ng loob at hindi niya napigilang umiyak kasabay ng pagsigaw. "Haahhhhh!!! Kay tagal kitang hinintay at kay tagal ko ring nangarap! Pakiusaaaaap!!! Lumayas kanaaaaa!!! Masakit umasa!!"

Matagumpay niyang nailabas ang bigat ng kanyang dinadalang sama ng loob. Matapos iyon ay gumaan na ang kanyang pakiramdam at mas maayos kaysa sa dati.

Dumiretso siya sa tanggapan ng kanyang kaibigang si Dr. Eddie. Ipinaliwanag niya ang kanyang sitwasyon at noon nya lang naunawan na mayroon pala siyang almoranas.

Recent Posts

See All
Allowance

Buwanan kung ibigay ni Jose ang allowance ng kanyang anak na si Chris at kasama na rito ang ibang mga gastusin para sa proyekto at iba...

 
 
 
Hindi po Ako Iyon

Ako po si Ryan, 18 taong gulang. Ako ay may malubhang sakit na ang pagkalimot ang sintomas.

 
 
 

Comments


bottom of page